Philippine Standard Time (PST)
User Online:

Web Visitor Counter:



Volume 1                         Issue No. 2013-02                         June 2013
Kauna-unahang Ironman Challenge Inilunsad

by: Cha T. Magdayao

     Race to finish ang hamon ng ironman competition na inilunsad ng opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction Management sa pamumuno ni Admin Jorge Misajon at sa pamamagitan ng Technical Staff for Administration and Training na si Mr. Joey Rabanal. Sinubok ang tibay at kakayahan sa paglangoy sa dagat na may layong isang milya, magbisekleta sa habang 2.7 kilometro at tumakbo sa kahabaan ng 1.3 kilometrong paliparan sa ilalim ng napakatinding sikat ng araw.

     Sa qualifying round ay sinalihan ito ng pitong manlalaro na binubuo ng tatlong sundalo, isang nurse, isang empleyado, at isang anak ng empleyado, ngunit lima lamang ang napiling tumuloy sa final round ng kumpetisyon. Naging kaabang-abang ang final round dahil sa tatlong kababaihan na nagkasundong tanggapin ang hamon na kung kaya ng kalalakihan ay kaya din naman ng mga kababaihan. Sa hiwalay na kumpetisyon ay pinatunayan ni MJ Batiancila na kanya ang titulong ironlady ng Kalayaan sa taong 2013. Pumangalawa si Louella Ocampo. Kundi lamang napulikat ang isa pa sa kalahok na si Ms Donna Palay ay natapos din sana nya ang kumpetisyon at makuha ang ikatlong pwesto.

     Dahil sa liksi at bilis ni Sgt. Mark Orello ay naiwan nya ang lahat nyang katunggali at natapos ang challenge sa loob lamang ng tatlumpong minute at tatlumpo’t dalawang Segundo. Pinangalawahan sya ni Bors Asiado at pangatlo naman si Darwin Hermoso. Dahil si Lt. Saquiban at Butchoy Elim ay nagkasundong ereserba sa kanila ang ika-apat at ika-limang pwesto sa kumpetisyon ay walang dudang nakamit nga nila ito. Sa huling round na takbo sa kahabaan ng paliparan ay naiwan ni IC Saquiban si Butchoy hang ito ay nagsusuot ng kanyang panyapak.

     Bilang Ironman sa taong 2013, si Orello ay tumanggap ng halaganag 1,500.00 bilang premyo samantalang si Batiancila naman bilang 2013 iron lady ay tumanggap din ng ng kaparehas na halaga. Ang lahat ng kalahok, maliban kay Ms. Palay ay nagkamit din ng mga papremyo.

| Copyright 2013 | Municipal Government of Kalayaan, Palawan, Philippines 5322 |
Email Ad: lgukalayaan@yahoo.com | Tel. Fax No. (63) (048) 434 - 8532
c/o KALAYAAN EXTENSION OFFICE
Old Telecom Building, Burgos Street, Brgy. Masikap, Puerto Princesa City, Palawan, Philippines 5300
http://www.kalayaanpalawan.gov.ph