Philippine Standard Time (PST)
User Online:

Web Visitor Counter:



Volume 1                         Issue No. 2013-02                         June 2013
Kasalang Bayan sa Isla ng Kalayaan

by: Ellen A. Bangcong

Makulay….masaya….kaygandang pagmasdan…..walang pagsidlan ng saya ng apat na
magkakaparehasa kanilang kauna-unahan at bukod tanging pre-nuptial pictorial.
Anong sinabing isang fairy tale sa kwento ng kanilang pag-iibigan?

Ngunit ano nga ba ang ang ibig sabihin ng kasal? Ang kasal, bagamat isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Ito rin ay isang pangakong pagsasama sa hirap at ginhawa, at pagtutulungan ano man ang mangyari sa kanilang hinaharap.

Sa kauna-unahang pagkakataon, kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 Anibersaryo ng Kalayaan, idinaos ang kasalang bayan na pinangunahan ni Mayor Jun Bito-onon bilang Administering Officer. Ang kasalanna may temang beach wedding ay dinaluhan ng kani-kanilang mga mahal sa buhay at sinaksihan ng kanilang piling-piling mga ninong at ninang at mga kaibigan upang saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Isang simple subalit nap akasaya ng pagdiriwang ang kasalang bayan ginanap noong ika- 14 ng Mayo 2013 sa ganap na ika-lima ng hapon. Naganap ang nasabing pagdiriwang. Suot ang kanilang nagagandahang damit, palamuting ibat-ibang kulay, ay mataimtim nilang pinakinggan ang pangaral ng punongbayan…

Natapos ang selebrasyon sa isang salo-salo na inihanda para sa mga bagong kasal at sila ay umuwing bitbit ang ngiti sa mga labi at seguridad ng pagsasama ng pang-habambuhay.

| Copyright 2013 | Municipal Government of Kalayaan, Palawan, Philippines 5322 |
Email Ad: lgukalayaan@yahoo.com | Tel. Fax No. (63) (048) 434 - 8532
c/o KALAYAAN EXTENSION OFFICE
Old Telecom Building, Burgos Street, Brgy. Masikap, Puerto Princesa City, Palawan, Philippines 5300
http://www.kalayaanpalawan.gov.ph