Philippine Standard Time (PST)
User Online:

Web Visitor Counter:



Volume 1                         Issue No. 2013-02                         June 2013
Kalayaan Got Talent Season 2- The Biggest Talent Reality Show in Kalayaan!

by: April Michelle M. Tan

     Kahit saan ka, Pinoy ka! U can show us what u’ve got! Talaga namang pinatunayan ng mga residente ng Kalayaan ang kanilang galing sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte at pagiging malikhain sa ginanap na “Kalayaan Got Talent Season 2!”.

     Dream come true para kay Mr. BJ Piring ang pagkakapanalo nya sa KGT Season 2 noong 11- Mayo-2013 na ginanap sa Beach Front ng Isla Pag-asa. “Noon palang nais ko na pong sumikat, sumali po ako sa Pilipinas Got Talent, Survivor Philippines, Fear Factor, Talentadong Pinoy at Showtime sa Manila, pero di ko akalain na dito pala ako sisikat sa Kalayaan, sobrang pasalamat ko po sa inyong lahat, sobrang saya ko po!”. Ito ang mensahe ni Bj Piring sa isang interview.

     Hindi malilimutan ang kaabang-abang na event na ito na nilahukan ng sampung grupo na pinangunahan ni Ms. Donna Palay na umawit ng “I’ll Never get Over You” ng MYMP, nakilahok rin ang Brgy Kgd. na si Douglas Ulson at PNP Chief Caballes na nagpakita ng galing sa pag-awit, nagpakita rin ng kanilang angking galing ang 355 na may dalawang slot, namangha ang lahat sa napakagandang fire dancing performance ng Tribal 355 gayon din ng Tribal-355 gayon din sa pag-awit ni Sgt Lloyd Calvo, at syempre ang walang kupas at napaka-talented na representative ng M/L Queen Seagull, Mr. Eddie Cortez sa kanyang “Langgam Style” performance. Hindi naman nagpatinag ang The Botatots na sina Macky, Japoy, Mitch, Ben at John AKA “BabyBoy” sa kanilang pagsayaw. Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng kaka-organisa lamang na Women’s Organization na nakakuha ng 3rd Prize na pinangunahan ni Ms. Aiza Belidan sa kanilang kakaibang tribal-move dancing.

     Nagpasiklab rin ang nurse na si Darwin “Lady Dada” Hermoso sa kanyang mala-Lady Gaga na performance ng Super Bass na nakakuha ng 2nd Prize. At syempre ang walang iba, kundi ang nagwagi na si Mr. BJ Piring na nagkamit ng Grand Prize ay nagpakita ng galing sa kanyang kakaibang performance na pag-arte at pag-awit ng Isdang Bato na umani ng napakataas na audience impact sa madlang pipol na naghatid sa kanya sa Grand Prize na nagkakahalaga ng Dalawang Libong Piso.

     Tunay nga na mas lalo pang pinaganda at pinaghandaan ang KGT Season 2 ng mga kalahok dahil sa iba’t-ibang talento na ipinamalas nila. Napagkasunduan naman ng management ang lalo pang pagpapaganda at paghahanda para sa KGT Season 3 na inaasahan ang mas mainit na labanan ng mga contestants.

| Copyright 2013 | Municipal Government of Kalayaan, Palawan, Philippines 5322 |
Email Ad: lgukalayaan@yahoo.com | Tel. Fax No. (63) (048) 434 - 8532
c/o KALAYAAN EXTENSION OFFICE
Old Telecom Building, Burgos Street, Brgy. Masikap, Puerto Princesa City, Palawan, Philippines 5300
http://www.kalayaanpalawan.gov.ph