Philippine Standard Time (PST)
User Online:

Web Visitor Counter:



Volume 1                         Issue No. 2013-02                         June 2013
Bagong Engineering Warehouse Pinasinayaan

by: Mark Ryan Tolosa

     Kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Kalayaan ay ang pagpapasinaya ng Municipal Engineering Building/warehouse na nagkakahalaga ng 1.250 milyong piso. Ito ang kauna-unahang konkretong gusali na naitayo sa Munisipyo na pinondohan ng pamahalaang bayan mula sa tinatawag na 20% Development Fund. Naitayo ang nasabing gusali sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office na pinamumunuan ni Engr. Arnel V. Esller.

     Ayon kay Engr. Esller, kundi dahil sa pagka-antala ng pagdadala ng mga materyales para sa konstruksyon ay matagal na sanang nakumpleto ang nasabing proyekto. Gayunpaman, maituturing na malaking accomplishment ito para sa opisina ng engineering dahil ito ang magsisilbing kanlungan ng mga kagamitang pang-konstruksyon upang maproteksyunan ang mga ito laban sa ulan at init at magsisilbi na ring opisina ng Engineering Department.

     Dinaluhan ang pasinaya ng mga residente, mga emplyeado ng Munisipyo, mga kawani ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Kasama ni Mayor Jun Bito-onon sa ribbon-cutting ceremony si Lt. Janjoe Saquiban ng Philippine Navy na nakatalagang Island Defense Commander sa Pag-asa.

     Kasabay ng nasabing pasinaya ang turn-over ceremony ng katatapos lamang na i-rehabilitate na Municipal Hall na siya ring magsisilbing Municipal Disaster Operation Center, pati na ang sampung units ng Solar Street lights na matagumpay na naitayo ng Engineering Department na pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund na nagkakahalaga ng anim na raan siyamnapu’t libong piso.

| Copyright 2013 | Municipal Government of Kalayaan, Palawan, Philippines 5322 |
Email Ad: lgukalayaan@yahoo.com | Tel. Fax No. (63) (048) 434 - 8532
c/o KALAYAAN EXTENSION OFFICE
Old Telecom Building, Burgos Street, Brgy. Masikap, Puerto Princesa City, Palawan, Philippines 5300
http://www.kalayaanpalawan.gov.ph